Friday, June 4, 2010

''Susi''


Bahagi mo siya
at iyong hinubog
ang kanyang pagkatao

Kaya gamitin mo
ang iyong impluwensya
at buksan mo ang isipan niya

Ituro mo sa kanya
ang tamang paraan
ng pagtutuklas at pag-unawa
sa mga katotohanan
sa mga bagay na 'di maintindihan

Maging susi ka
at paghusayan mo
sapgkat hawak mo
ang kinabukasan
niya...

Ikaw...
na siyang magulang niya.

SUSI


Bahagi mo siya
at iyong hinubog
ang kanyang pagkatao

Kaya gamitin mo
ang iyong impluwensya
at buksan mo ang isipan niya

Ituro mo sa kanya
ang tamang paraan
ng pagtutuklas at pag-unawa
sa mga katotohanan
sa mga bagay na 'di maintindihan

Maging susi ka
at paghusayan mo
sapgkat hawak mo
ang kinabukasan
niya...

Ikaw...
na siyang magulang niya.

APOY


Nakakapinsala.
Walang sinasamba.
Ngunit nakakatulong
tuwing madilim
tuwing malamig.
May panahong nanghihina
May panahong lumalagabgab.
At gaya ng apoy, nasa atin na
Kung tayo'y manghihina
O mabubuhay sa ihip ng hangin
Kung tayo'y lalakas o mamamatay
Sa pagbuhos ng ulan
At kung tayo'y tutulong
O mamiminsala...

GUTOM


Tagas ng masidhing kalungkutan
Nasok sa pagkatao ninuman,
Tanging kawalan ang kanyang dulot
Hirap na sa bait humahablot

Pasakit ba ng 'sang minamahal?
O dulot marahil ng Maykapal?
Tulirang kaisipan, 'di alam.
Nangangamanhid mga pandamdam.

Katawa'y sadyang nanlalambot.
Laman ay namimitig sa poot,
Sikmurang walang lama'y manhapdi,
Dahil sa pag-ibig ay di saksi.

Mula sa magulo na damdamin,
Mahinang bumulalas sa hangin:
"Nilalang! Sa kamunduha'y sakim.
Karanasa'y nakakarimarim."

Iba'y di pansin ang pagdurusa,
Isinasaing tabi sa diwa.
Masakit mang tanggapi't isipin,
Hinagpis ay hindi nais dinggin.

Datapwat ninais ilabas,
Bahala na kung ano ang labas.
Sa ngayon, lakas ay nililikom,
Upang sabihin na ako'y gutom.

Thursday, June 3, 2010

DAGUNDONG


Dumadagundong ang bawat
pintig ng aking puso
Sa bawat hagupit at latay na aking nasasaksihan
Na dulot ng makamandag na latigo
ng mga naghahari-harian

Hagupit at latay
na walang imik at mapagkumbabang
tinitiis, tinanggap
ng walang lakas
ng walang boses na masa

Dumadagundong ang bawat
pintig ng aking puso
sa bawat pang-aabuso sa lakas paggawa
sa bawat pangangamkam ng lupang sakahan
sa bawat pagkakait ng karunungan

Pang-aapi at pang-aalipin
na dulot ng mga tagakalinga sana
na pinalala pa ng mga walang pakialam
na pwede naman sana nilang isatinig
na pwede naman sana nilang iresolba

Dumadagundong ang bawat
pintig ng aking puso
at sa bawat alingawngaw nito sa sangkatauhan
at sa paglamon nito sa mala-piitang pagkapipi
nawa'y mapalaya ang nakakulong sa gibik...

...gibik para sa isang
malaya at masaganang lipunan.

Tuesday, June 1, 2010

ANG KATANUNGAN


Nagtanong ako
kung ano ang pinagmulan natin.
Ang tugon sa akin,
"Ang katotohanan ng ating pinagmulan
ay hindi katanungan
kundi kaalaman na dapat
mong paniwalaan."
Subalit paano ko malalaman
ang katotohanan
kundi ako tugunan
upang ito ay aking malaman.
Ang sabi naman ngayon,
"Tama ka nga naman."
Samakatwid,
"Ang ating kaalaman
sa katotohanan ay natutugunan
sa pamamagitan ng katanungan."

Nagtanong muli ako
kung paano ako mamuhay sa mundo.
Ang sagot sa akin,
"Mamuhay ka ayon sa iyong pinagmulan,
ang gusto kong ipaalam ay
mamuhay ka sa kabutihan."
"Huwag mo nang tanungin ang pinagmulan
dahil ito ay iyong nalalaman
ngunit ayaw mo lamang paniwalaan
kaya palagi mo itong binabalik-balikan."

Nagtanong na naman muli ako
kung bakit ako mamumuhay
ayon sa aking pinagmulan
na ayaw ko raw paniwalaan.
Ang sabi sa akin,
"Upang ikaw ay makapunta at makabalik
sa ating pinagmulan at
iyong maranasan ang buhay
na walng hanggan
sa habambuhay na kasiyahan."

MANHID


Lumuluha ng dugo
ang mga bituin
Ang mga ibon ay humuhuni
ng malungkot na awitin

Nagdurusa
Nagluluksa
na ang ibang nilalang

Naramdaman nila
na may mali
na nabulabog ang tulad nilang nilikha

Ngunit ang tao
naramdaman kaya niya
na may mali?
na may nabulabog?

Nakikiisa ba siya
sa paghihirap ng iba?
Binibigyan niya ba ng pagkakataon
ang mga salat at malas?
Ipinagtatanggol niya ba
ang mga pinagkakaitan ng hustisya?
Umiiyak ba siya kapag nakikita niyang
parang ang lii-liit ng kanyang nagagawa?

Marahil hindi...
Pagkat kaya niya pang maging masaya
Kahit na ang paligid niya'y
nagdurusa
nagluluksa.

Monday, March 29, 2010

PURPLE SUMMER


A sparkling diamond
That captivates the eyes
Or could it be...
An intense feeling

A world of vast illusion
That preoccupies your sanity
That you explore, so free.
But do you really know me?

My very nature fashions
A universal beauty
Dwelling in sacred permanence
Bound by faith and commitment.

My wholeness is not born
Out of ephemeral passion
Indeed, I am real
At the face of affectionate decision.

Be guided by the hands of time
Dance with the music of life
Grow, live and learn...
Keep on believing.

Our paths shall surpass divergence
I am the promise of Forever
Truly I am...Hurt!

Tuesday, March 23, 2010

HER BEAUTY REPOSING


the dusk breaks her barren face
taunting for one more evening,
one more void of no colors,
in a smoky black night
that treads into the crust of
her belly,
swaying into the edges of her skin
a garland
that chases her heart
the urge of vengeance
she weeps inside heer womb
aflamed in the grace
of etched scars in her arms
hapless in her kindred spirit
she summons her soul
to ressurect in unstained
imperfection,
flowering in her silence.
and someone can die
this very moment
for her beauty spanned in the dark

THE WEIGHT OF A FEATHER ON A SCALE


I can smell the taints of childhood
and I apologiza that I have let go
of the fragrance, proning me to tarnish
the unwounded rest of pastures
from the wealthy fields

I climbed torooftops and deceived
my hands to visible realities
that knows no boundaries
and stabs the human heart, a swelling truth
swept to the flow of gleaming rivers
I fell in the spell of dunes

I speak the filtered monotone of quietness
pale as the night swirling in solitude
tracing the last four miles before I was
standing here

I ask forgiveness to childhood
the weight of a bitter ordinary stole
the dusk of each new beginning and
the ventures drafted on roadsides, gone...

I pick dusts fallen from the rites
beyond the slope of a sinking, scoured sight
trampled into the edges of life, and its blade,
a smear of blood