Friday, December 24, 2010

The Season of Love & Sharing


oh! Greetings in this yuletide season!
It's Christmas time folks!!!
Gifts, cards, tokens, hugs,kisses and chants..
Friends caroling,children hanging everywhere and exchanging of presents.

Joy upon on our hearts are merely heard
Smiles and delicacies are quite similar on each other.
Houses filled with candies,chocolates and chuckling on their chimneys
Warm jackets,scarfs,bonnets and gloves are wore upon under the mistletoe

But what really is the real purpose of today's celebration?
Shopping gifts? Exchanging cards and gifts? or just merrymaking around with our loved ones?
Today is the birthday of our Christ Jesus,we soon waited him for a long time.
Not gift.not Santa nor our godparents.

We must be thankful about today's holidays.
We must cherished the real present this yuletide season.
God bless and may the spirit of Christmas fill our hearts with joy.
ENJOY!=)

Sunday, December 5, 2010

"Mapagpalang Kamay"


Sa aking pag-iisa ikaw ang siyang hanap
Araw at gabi, ikaw lang ang hinahangad
Walang inaasam kundi ang ika'y mayakap
Damhin yaring init ng malamig kong palad.

Ikaw ang pumawi sa aking kalungkutan
Ikaw ang sumariwa sa kahapong nagdaan
Ikaw ang nagdala mabigat kong karamdaman
Nagbigay paraan upang mithii'y kamtan.

Samo't saring imahen, nasok sa isipan
Hindi mabilang, hindi mailarawan
Sa aking pagakatisod ikaw ang umalalay
Kumunoy nang kasawian, ikaw ang gumabay.

Langit na maaliwalas sa aking pagtingala
Mapagpalang Diyos, siyang aking nakita
Biglang nanumbalik ang aking pagtiwala
Sa mahabaging Diyos, tunay na nagpala.

Kupas na


Kupas na ang larawan mo
na nakalagay sa pitaka ko
Kupas na rin ang sulat mo
na iningat-ingatan ko
Kupas na ang T-shirt mo
na alaala ko sa iyo
dahil kupas na ang puso
kong
nagmahal sa iyo nang totoo
Kupas na rin ang pag-asa
nakaraan ay balik sinta
upang tayong dalawa
muli ay magkasama
naudlot na pagsinta
itatak ng tadhana.

Kawalan ng Pag-ibig


Katwira't katotohana'y sanhi ng pag-ibig
Upang bawat isa ay kumilos nang matuwid
Nang di tayo bulagin ng pag-ibig na sakim
Iwaksi sa puso't isipan ang paninimdim.

Pag-ibig ay wala sa puso ng sinuman
Totoong maghahari ang labis na kaganidan
Malulugmok tayo sa ating kapalaran
at ang maghahari, lipos na karukhaan.

Bayang walang pag-ibig ay puno ng alitan
Laganap din ang kaguluha't pagpapatayan
Mangingibabaw lagi ang kasamaan
Napapairaat kasi kanulang kapangyarihan.

Pag walang pag-ibig na dakila ang ina
Sinong mag-iiwi sanggol na isilang niya
Pag walang pag-ibig din sa mahal na sinta
Sino ang gagabay, ina sa kanyang pagtanda.

Pag-ibig na wagas, bigay ng Diyos ama
Bugtong na anak ay inialay niya
Upang matubos at mapatawad si Eba
Sanlibutang kasalanan na ginawa niya.

Sunday, July 25, 2010

Ang Pahahabi ng Wakas


Sa iyong pag-ilanlang di ako tatangis
Sa halip aking hahalikan ang sagradong
Lupang ating sinayawan
Bibilangin ko kung ilang bituwin
Ang ating sinulatan ng pangarap
Sabay kakainin at magningning

'Sang palad kong yayakapin
Ang iyong halakhak
At papakinggan ang bulong ng dinding
Upang marinig ang iyong tinig
Nais kong yakapin ng titig
Ang iyong mukha
Sa ating paghihiwalay

Walang salita ng pamamaalam,
Ng galit, hinagpis at duda
Hahayaan kong sakluban tayo ng langit
Upang sa kahit minsa'y tayo'y mapag-isa
Gusto kong maramdaman
Na sa aking pagkabuhay ay naisulat sa mga tala
Na tayo'y nailaang magdampi ang mga palad

Daraan na lamang ako sa lunan ng
Ating sinilangan upang masaksihang
Nandoon ka at naghihintay


...sa muling pagtatalik ng kalawakan.

Friday, July 16, 2010

''Gutom'


Tagas ng masidhing kalungkutan
Nasok sa pagkatao ninuman,
Tanging kawalan ng kanyang dulot
Hirap na sa bait humahablot

Pasakit ba ng 'sang minamahal?
O dulot marahil ng Maykapal?
Tulirang kaisipan, 'di alam.
Nangangamanhid mga pandamdam.

Katawa'y sadyang nanlalambot.
Laman ay namimitig sa poot,
Sikmurang walang lama'y mahapdi,
Dahil sa pag-ibig ay di saksi.

Mula sa magulo na damdamin,
Mahinang bumulalas sa hangin:
"Nilalang! Sa kamunduhan'y sakim.
Karanasa'y nakakarimarim."

Iba'y di pansin ang pagdurusa,
Isinaisang tabi sa diwa.
Masakit mang tanggapi't isipin,
Hinagpis ay hindi nais dinggin.

Datapwat ninais ilabas,
Bahala na kung ano ang labas.
Sa ngayon,lakas ay nililikom,
Upang sabihin na ako'y gutom.

Friday, June 18, 2010

''Guhit ng Tadhana''



Masarap isipin kung may kaibigan kang maaasahan, ano man ang suliranin, nandyan ang iyong kaibigan sumusuporta sa iyo. Iba man ang iyong kasarian, iba man ang inyong anyo, walang hadlang sangalan sa pagkakaibigan. Kahit anong trahedya, umulan man o umaraw, bumagyo man o magkaroon ng ipo-ipo "stick to one" pa rin tayo. Lumipas ang maraming araw, buwan o higit pa sa taon, lagi tayong magkasama.
Noong una, lapit na lapit ang mga loob natin. Akala ko tunay tayong magkaibigan. Hatid sundo mo ako sa aming bahay at araw-araw mo pa akong nireregaluhan. Hindi ko matanto kung ano talaga ang tunay na layunin mo? Nandiyan ka kapag may problema ako. Nandiyan ka noong hirap ako. Lagi tayong magkasama kahit sa pinakamahirap at pinakamatinding sakit sa ating buhay. Tila bang walang katapusan ang awit sa radyo. Ngunit bakit ganoon, tila unti-unti kong nararamdaman ang pangambang ito? Hindi ko maintindihan ang tinitibok ng pusko ko. Tulad ng sabi mo, mahal mo ako...pero hindi ko maliwanagan, mahal mo ako ng ano? Bilang kaibigan o higit pa sa kaibigan? Naaalala ko pa noon, niligawan mo ako at sinabi ang tunay na nararamdaman mo para sakin. Naaalala ko rin iyon noong Prom natin. Nabigla ako noong una ng sabihin mo na mahal mo ako, ngunit bandang huli, ganun rin ang nararamdaman ko simula't sapul.
Pero bakit ngayon na tayo na, bigla mo akong iiwanan? Ngayon na lalong tuamgal ang ating pagkakaibigan at lalong tumatag ang ating samahan aalis ka at iiwan ako. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Pinaghihiwalay ang ating tadhana at siguro ito ang una at huling magkikita tayo ng huli. Paalam na at sana tumahimik nawa ang iyong kaluluwa..(+)

Sunday, June 13, 2010

''Diyamante sa aking Mata''


Puso ko'y binihag mo, hinalina mo at inakit mo
Minahal at sumugba sa apoy sapagkat niliwanagan ng iyong puso.
Bingyan mo ng saya kahit pa saglit
Sinalo ang puso ko na noo'y naghihikmik.

Sinakyan ang damdamin ko para sa iyo
Nag-usap ang ating mga mata,
Nagsuyuan sa azotea ng parehong silid,
Nag-iwasan sa t'wing nagsasalubong.

Pero bakit ganito ang reaksyon mo?
Binalikan ang nakarann at hindi nakita ang kasalukuyan.
Tinakda ang nasa loob ngunit hindi inalintana ang nasasaktan.
Bakas sa aking mata ang hirap
Ngunit hindi mo pinansin.

Mas nalulungkot ka kung nakangiti ako.
At natutuwa sa t'wing malungkot ako.

Bakit ganoon ang buhay sadyang mapaglaro.
Minsan malamig at minsan maiinit.

Hahanapin pa ba ulit ako o aasa pa sa wala?
Asan ako sa puso mo?
O, pag-ibig sadyang nakakapaso.
Lagi akong biktima at iniiwang nagdurusa.

Hindi ko maaaring iiyak ito,
Sapagkat mahalaga ang luhang pumapatak s isang dalaga.

Mas mahalaga pa ito kaysa sa kinang ng isang
-diamante...

Thursday, June 10, 2010

''Sweetly Rotten''


As I stare at the eyes of nothingness, I shiver...
As I hear the voice of silence, I quiver...
I held my own hands- their roughest.
I saw my own face- at its ugliest.
I tended my own heart- at its worst.
I coaxed my own lips- as for the right words it
failed to search.
And when life dawns to me again,
As after every moonlight, it always had,
All throughout its bright existence
I'll wonder sadly:
Will I ever find ONE life
Who'd be meant to shout that I'm sweetly ripe,
Even when I indeed am rotten?

''PINK PRISON''


I always thought
of you seeing from another dimension
when space and earth
have wanted the day to satnd still
when every second counted
for every gentle creature that has lost a soul...
lost once, lost for all eternity
You and I
in a den of a lion's heart
swimming in a pool of fools
meeting, merging
transcending all models of being
becoming no one and everyone
and in thick enveloping folds of purple
though I dream and sleep
I closely watched...
it was beautiful
and it was the end.