Sunday, February 26, 2012

"Mi Hombre Amore"

Daniel ko,
                        Una sa lahat, Nagpapasalamat ako sayo dahil kung hindi dahil sayo tuluyan ng nawala ang tiwala ko sa mga lalake. I also wanna say “sorry” kasi wala ako sa tabi mo na alam ko naman na kailangan na kailangan mo ako. Nagkalayo man tayo’t umabot pa halos ng tatlong Buwan. Alam mo nung makilala kita habang tumatagal, narerealize ko na di ko pala dapat pinapairal yung kasungitan ko. Pasensya kung minsan, nasusungitan kita saka nabubuhatan ng kamay ha? Sa totoo nga lang, ikaw pa tong mas malambing eh kaw tong lalake. Sensya girlfriend mo maton hehe=) kung tatanungin mo ako kung masaya ba ako sa piling mo, ang sagot isang malaking OO! Kung tutuusin maswerte na ako sa lagay na to kasi nakahanap ako ng isang lalaking tulad mo=) nasa sayo na nga halos ang katangian ng isang lalakeng hinahanap ko. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos kasi nagtira pa siya para saken. Daniel, hiling ko lang sayo magtino ka. I know and naniniwala pa rin ako na matino ka nga..pero sobra akong masasaktan once na malaman ko na niloloko mo lang ako kasi masisira mo ang buong tiwala ko sayo. Ayoko nang masaktan, pagod na akong lumuha kaya pinapanalangin ko na lang na sana huli ka na sa buhay ko. Napag-isip isip ko na rin na habang tumatagal, nagmamature na ang pang unawa ko. If I could have the chance, I would like to spend the rest of my life with you. Alam kong bata pa tayo para sa love, pero naniniwala ako na merun ngang wagas na pag- ibig. I may sound weird and corny but what I think is true. I may not prove it but with you I wanna search the real meaning of it. Mahal kita Daniel, ramdam ko naman na Mahal mo rin ako. Wala man akong maipagmalaki sayo ngayon pero kaya kong patunayan na Mahal nga kita. Nung araw na nakita kitang umiyak sa harapan ko, hu- manga ako. Di ko akalain na may isang lalakeng kayang umiyak ng ganon. Di ko ineexpect na magsagawa mo yun. Kasi mataas ang tingin ko sayo, ang tingin ko sayo’y napakatigas. Now I know, “real men cry” astig mo=) Mahal kita Daniel hindi dahil sa ano ka pero Mahal kita at tinanggap ko kung sino ka. I love you more now than I ever did before. Ginusto kita hindi dahil sa kung anong merun ka, minahal kita bilang IKAW! Magdasal ka lagi, alam mong tanging dasal lang ang sandata mo kapag nagkagipitan na. Tanging sarili mo lang ang pagkakatiwalaan mo. Alam kong mahirap sitwasyon mo lalo na sa trabaho mo, pero isipin mo yung pangarap mo once na may ginawa kang kalokohan. Inggit lang sila wag kang papatalo. Kapag mas lalo ka pang umangat, mas lalo silang magngingitngit sa inggit. Yung tsismis na yan, lagi yan sa paligid kapag nagpaapekto ka, mas lalo silang matutuwa. Ipakita mo na di ka apektado para lalo silang maiinggit. Ganyan talaga ang buhay Mahal ko, hindi balance. Wala silang matsitsismis kung hinde ka nagpapaapekto. Kung wala kang kakampi, nandyan si GOD for you. Si GOD na ang bahala sa kanila basta’t wag ka lang bibitiw ^_^ sobrang namimiss kita lalo na nung valentine’s day. Naiinggit nga ako, wala akong ka-date! :-P..Pero ayos lang! haha=) Mahal na Mahal kita Daniel, pero natatakot pa rin ako na masaktan. I’ve put my trust on you so please be careful with my heart. Sana ako din pagkatiwalaan mo dahil di ko magagawang saktan ka. I’ve heard your tribulations from the past at ayoko ng madagdagan pa dahil saken. I’ve came up to write this letter and the thought that I don’t like you to read this in front of me. Ayoko kasing Makita ulit na umiiyak ka. Ayokong nakikita kitang nasasaktan that’s why I asked you to keep this and read it until you’ve moved out. I know this relationship will last. Yung pagpunta mo pa lang sa Laguna, tinuturing ko ng isang challenge yon para mapatunayan natin kung hanggang saan tayo magtatagal. Distance will never be a hindrance; I know this is just a test to see how love can travel. Una pa lang ito Mahal ko, malayo pa ang mararating natin kung tatatagan natin ang loob natin. I know myself, I could be very faithful but there’s another guy that I loved the most..and that’s GOD who gave me you! :”>
Iniisip ko nga minsan, hindi ako ang tamang babae for you. Napakabaet mo, nakakahinayang nga lang kulang ang panahon natin para sa isa’t isa. Namimiss talaga kita. Nalulumbay ako at hinahanap hanap ang lambing mo. Di pa tayo halos nagkakatampuhan kaya feeling ko magkakasundo talaga tayo. You’re so very tough. I really appreciate you how you love your family especially to your little sis. Marami ka ring mga kaibigan. And most of them you’ve treasured. NapakaHumble mo, di ka ata marunong magalit. Ni halos di ka nga makabasag pinggan sa hinhin. Daig mo pa ako! Haha=)) and the most, namimiss ko yung pagkamalambing mo. Super!! Lalo na yung tono ng salita mo^_^ and for me, you’re perfect! Kung merun man akong hindi nabanggit, pasensya ka na! yun lang kasi yung kapansin pansin sayo. Stay as you are! I don’t want changes from you. I’d loved you for who you are so stay the same. You’re a man of few words yet so sincere. You’re not selfish na halos wala ng matira sa sarili mo. You’re blessed! You’re loved! You’re the best! Just always put a smile on your face, kasi mas bagay mo=) Wag mo akong alalahanin dito kasi nasa maayos naman akong kalagayan. Promise ko, babawi ako sayo once na grumaduate na ako. Two years na lang^_^basta’t ipangako mo rin na hihintayin mo ako. Wala na akong ibang hiling kundi ang makasama ka. Yun lang ! saka sana wag mong pababayaan ang sarili mo. Puhunan mo ang lakas mo kaya magpakatatag ka’t magpalusog. Kung merun man na gugustuhin na makasama ka panghabambuhay,ako na marahil ang nangangarap nun. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo, kasi dumating ka pa sa buhay ko na akala ko noon, di na ako muli makakakita pa ng matinong lalake. Almost perfect ka na Mahal! Iniimagine ko na yung sarili ko kasama ka. Gusto ko, pagkadilat ng mata ko, kaw ang una kong makikita at ang huling makikita ko bago matulog. San ka man mapunta, kaw lang ang isisigaw ng puso ko. Iba na tama ko sayo! Kaya wag ka muna malulungkot at mangangamba na mawawala ako kasi nagsisimula pa lang tayo para sa magandang kinabukasan. Marami akong pangarap, alam kong marami din sayo. Diba nga sabay tayong tutuparin yun. Walang mang iiwan, yan lang ang mission-vision ah! Haha! Kaw lang nagpapangiti saken kung nalulungkot ako. Whenever I think of you, the more I miss you. Pero tinitiis ko lang yun kasi alam ko, magkakasama tayo sa huli kaya di ako nag iisip ng nakakastress! Kaya ikaw, wag ka masyadong mamroblema. Go with the flow lang tayo. Sinubukan natin, dapat panindigan natin. Diba? Oh,mahaba na ata to. Di pa ito ang huli, Paunang bilin ko lang sayo ito ah? Wag mong kakalimutan! I’m a woman with a word of honor! Ahahahaha! Eto lang yung magagawa ko para mapatunayan ko sayo na tapat at totoo ang intension ko sayo. Basahin mo ito kapag nalulungkot ka para maalala mo naman ako kahit papano noh! :-P haha! Seryoso ako Daniel, kaya magseryoso ka din ah? This letter may be cheap but it’s the thought that counts. I love you Daniel, I’ll always will=) alagaan mo sarili mo doon ah? Yung health mo nako! Wag masyadong mag iinum, yung yosi saka alak pag pinagsabay, mahihighblood ka! Yung kinakaen mo, tignan tignan mo! Tandaan mo, pag wala ka na, pano na ako:/
Di kita iiwan, I’ll stop loving you when an apple tree bears an orange fruit on the 32nd day of December! Naks! :PP hahaha! Cge na, sa susunod ulit,  I LOVE YOU! MUAH MUAH TSUP TSUP :-*

Always in love,


benaliza p.dacumos
PS: Save the hugs and kisses! ;)
     

Friday, February 3, 2012

''Two Months"




BENA♥DANIEL►yan ang bagong team up! bagong jowa! hahaha!! bagong buhay na din! Noong una,wala naman talaga akong balak mag boypren eh! Kaso nga lang, sa sobrang baet nung guy,nahulog ako sa kanya! PAKTAY! >.<
haha! let's not talk about that! Pag usapan natin kung anong klaseng lalake si DANIEL!

Hmmm..Ano nga ba? mabaet? oo!
Matalino? oo!
Gwapo? pwde!!?? :DD
Matangkad?? Ok lng xD
May abs? ok lng :DD


Sows! bakit pa napunta sa usapan na yan!! LOLS!

December 3,2011-->unang nagkita kami,nagsimula lang yan sa FB,nagkatxt! tapos eyeball agad!

Nanood ng sine,nagkwentuhan, nag boating sa Burnham Lake,picture2 pa! lols!

Dumako kami sa isang punto na nagkaaminan kami..Madali lang siyang kausap! Maski naman ako! Wala ng keme-keme! ihihihi! (ang landi!)

Dumalas ang txt! tapos dumalas na din kami nag date! Sympre,kami na non ahh!

Feel ko na at ramdam ko na! MAHAL AKO NITONG LALAKENG ito!

(SANA naman LORD! siya na :3 )

Sawa na akong umiyak,masaktan at umunuwa..

Ang laki na kaya ng damage ko sa EX-BF ko!!:((

Tapos pag eto,ginago ako,EWAN ko na lng! Ewan ko tlga! HMF! T.T

Nga lang , LDR na naman itech!

Pumunta siya ng LAGUNA for work! Iniwan na naman ako :(

Pero promise ko sa kanya,di ko siya iiwan^^

Kasi para sa kanya, ako lang daw nakakaintindi sa kanya..iniwan siya ng Ex nya, ng pamilya niya maski si God,minsan sinisisi niya..

Anong mamimiss ko sa kanya?

=Yakap nya,halik at ang pag aalaga niya.. Masarap magmahal ang isang Daniel Dacanay! Ituturing ka talaga niyang prinsesa,ibibigay sayo ang mundo! Wala na nga akong masabi eh! Nasa sa kanya na ang lahat! Di ko siya iiwan^^ peksman \m/

~HAPI MONTHSARY DANIEL! Mahal na mahal kita :*