Monday, August 8, 2011

Amor Propio (Self-love)



Ang takot na mawala ang pinakamamahal mo sa buhay ay parang pagtalikod sa mundo mo.
Kabitan mo man ng kandado't posas
Kung kakawala din lang siya
Paos ka na,bingi pa rin siya.

Kumbaga sa pagpitas ng isang rosas sa hardin
Hahayaan mong masira ang isang napakagandang bulaklak
Kahit alam na alam mong bandang huli
Di ka nya kayang mahalin.

Sabi nya,tadhana na lamang ang magdidikta ng inyong mga kapalaran
Pero iniwan ka,pinarusahan at nagdududa
Kay saklap ng nangyari pero inutang lahat ng puhunan makapagsimula lang ulit
Grabe ang pag-ibig! Lahat hahamakin,maging sayo lang ang minamahal mo.

Kay hirap isipin na mawawalay ka na sa kanyang piling
Di mo akalain na noon na sobrang lambing
Ngayon ay puno ng kirot at hapdi
Patawarin man ako,di na magbabago ang lahat.

Inalay ko na ang lahat lahat pero di pa rin naging patas.
Eto na ba talaga ang sinasabi nilang "WAKAS"???
Ngayon ko lang nadama ang tunay na buhay sa mundo
Na di lahat ng mga telenobela at mga kwentong pambata ay nagtatapos sa masasayang tugtugin.

Inisip ko lang ang sarili ko kaya di ko kinayang pakawalan ka
Ganon na nga ba ako kahangal para sa pag-ibig?
Nabubulag na dahil sa sobrang pagmamahal sayo?
O dahil lang ba to sa sobrang pagkatanga?

Pagod na ako
Pagod ka na din
Sawa na
Tapos na :'((

No comments:

Post a Comment