Sunday, June 13, 2010

''Diyamante sa aking Mata''


Puso ko'y binihag mo, hinalina mo at inakit mo
Minahal at sumugba sa apoy sapagkat niliwanagan ng iyong puso.
Bingyan mo ng saya kahit pa saglit
Sinalo ang puso ko na noo'y naghihikmik.

Sinakyan ang damdamin ko para sa iyo
Nag-usap ang ating mga mata,
Nagsuyuan sa azotea ng parehong silid,
Nag-iwasan sa t'wing nagsasalubong.

Pero bakit ganito ang reaksyon mo?
Binalikan ang nakarann at hindi nakita ang kasalukuyan.
Tinakda ang nasa loob ngunit hindi inalintana ang nasasaktan.
Bakas sa aking mata ang hirap
Ngunit hindi mo pinansin.

Mas nalulungkot ka kung nakangiti ako.
At natutuwa sa t'wing malungkot ako.

Bakit ganoon ang buhay sadyang mapaglaro.
Minsan malamig at minsan maiinit.

Hahanapin pa ba ulit ako o aasa pa sa wala?
Asan ako sa puso mo?
O, pag-ibig sadyang nakakapaso.
Lagi akong biktima at iniiwang nagdurusa.

Hindi ko maaaring iiyak ito,
Sapagkat mahalaga ang luhang pumapatak s isang dalaga.

Mas mahalaga pa ito kaysa sa kinang ng isang
-diamante...

No comments:

Post a Comment