Friday, June 18, 2010

''Guhit ng Tadhana''



Masarap isipin kung may kaibigan kang maaasahan, ano man ang suliranin, nandyan ang iyong kaibigan sumusuporta sa iyo. Iba man ang iyong kasarian, iba man ang inyong anyo, walang hadlang sangalan sa pagkakaibigan. Kahit anong trahedya, umulan man o umaraw, bumagyo man o magkaroon ng ipo-ipo "stick to one" pa rin tayo. Lumipas ang maraming araw, buwan o higit pa sa taon, lagi tayong magkasama.
Noong una, lapit na lapit ang mga loob natin. Akala ko tunay tayong magkaibigan. Hatid sundo mo ako sa aming bahay at araw-araw mo pa akong nireregaluhan. Hindi ko matanto kung ano talaga ang tunay na layunin mo? Nandiyan ka kapag may problema ako. Nandiyan ka noong hirap ako. Lagi tayong magkasama kahit sa pinakamahirap at pinakamatinding sakit sa ating buhay. Tila bang walang katapusan ang awit sa radyo. Ngunit bakit ganoon, tila unti-unti kong nararamdaman ang pangambang ito? Hindi ko maintindihan ang tinitibok ng pusko ko. Tulad ng sabi mo, mahal mo ako...pero hindi ko maliwanagan, mahal mo ako ng ano? Bilang kaibigan o higit pa sa kaibigan? Naaalala ko pa noon, niligawan mo ako at sinabi ang tunay na nararamdaman mo para sakin. Naaalala ko rin iyon noong Prom natin. Nabigla ako noong una ng sabihin mo na mahal mo ako, ngunit bandang huli, ganun rin ang nararamdaman ko simula't sapul.
Pero bakit ngayon na tayo na, bigla mo akong iiwanan? Ngayon na lalong tuamgal ang ating pagkakaibigan at lalong tumatag ang ating samahan aalis ka at iiwan ako. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Pinaghihiwalay ang ating tadhana at siguro ito ang una at huling magkikita tayo ng huli. Paalam na at sana tumahimik nawa ang iyong kaluluwa..(+)

No comments:

Post a Comment