Friday, July 22, 2011

Less a few days; A grown Up!


Ano ang hanap ng isang nagdadalagang tulad ko?
Ano ang hiling niya?
Ano ba ang natatanging nais ko?
Ano ang mahalaga sakin?

Marahil isa lang talaga ang pinaka importante sa buhay ko ngaun
Ang makita ang mga minamahal ko na nasa maayos na kalagayan at estado
Makapagtapos ng kolehiyo at makapagtrabaho't magkanegosyo
Pero paano ko magagawa ito kung laging nasa isip ko'y MAHIRAP!?

Pangarap ko makasungkit ng bituin
Makakuha ng mataas na posisyon
Makapagpatayo ng mga gusali't mga lupa
At makapagbuo ng mga pangarap sa bagong pamilya

Napakahirap tuparin kung walang sagana
Puro tiis ang danas, pawis at luha
Masakit isipin na di ka makakapagapos dahil kapos at gipit
Pero mas masakit kung nawalan ka ng oportunidad dahil di mo kinayang maging malakas para sa mga pangarap

Ang SAKIT at HIRAP ay nasa isip lang nga tao
Di totoong may hirap at sakit
Dahil dinadanas lang ito ng ating kalamnan
Ngunit di kelanman sa laman

Karunungan ang kapital
Patiyatiyaga ang kapit
Patitiis ang kalakasan
At dasal ang kailangan

Diseotso na sa quatro
Dalaga na si Isang
Matanda na para isipin ang mali sa tama
At napakisig para suungin ang dagok ng buhay

Marami pang kakaining bigas
Marami pang lubak ang tatahakin
Sapat lang ang kaalaman
Pursigido't malakas para tawarin ang butas ng karayom

Isang hiling..


~LAKAS AT TIBAY NG DAMDAMIN:)

No comments:

Post a Comment